Ang El Presidente ay hango sa totoong buhay ni Heneral Emilio Aguinaldo na siyang naging ka una-unahang Presidente ng Republika ng Pilipinas. Taliwas sa aking unang impresyon sa pelikulang El Presidente, ang pelikulang ito ay tungkol sa isang grupo ng mga pilipinong nagnanais na makamit ang isang kalayaan na inaasam asam nila. Ang grupo na ito ay ang Magdalo at Magdiwang. Tinatawag silang mga katipunero na nakikipag himagsikan sa mga kastila para sa kinabukasan at kalayaan.
Masasabing makabuluhan ang pelikulang ito na siyang naging inspirasyon sa ating mga manonood at malaman na ang ating mga kauna unahang henerasyon ay may nagawa/ginawa para mapabuti at maayos ang kasalukuyan. Sa kwentong ito, malalaman natin ang relasyon ng ating Supremo Andres Bonifacio at ng Presidente Emilio Aguinaldo. Dito napaliwanag kung paano nahalal na Presidente si Aguinaldo. Nang makamit na nila ang kalayaan sa Cavite na siyang pinamumunuan ni Emilio Aguinaldo ay napatunayan niya sa taong bayan na siya ay kagilagilalas at kahanga hangang pinuno.
Bago ko tuluyang mapanood ang El Presidente, marami akong agam agam na magiging hindi ito ka halihalina. Ngunit nung nabalitaan ko na ito ay maraming nakamit na parangal sa Manila Film Festival noong Disyembre 25, 2012. At mali pala ang aking nasa isipan na siyang kabaliktaran. At marami ring nagsabi sa akin na makabuluhan at makasaysayan ang pelikulang ito.
Ng aking mapanood, napagtanto ko na ang pelikulang ito ay maraming kapupulutang aral at ang mahalaga ay ang nalaman ko ang kasaysayan at buhay nina Andres Bonifacio, Emilio Aguinaldo, Gregorio Del Pilar, Procopio Bonifacio at marami pang iba. Noong panahon nila walang araw ang hindi lumipas ng hindi nagaalala dahil sa rebelasyon sa pagitan ng mga Kastila at Katipunero. Ako'y nadismaya sa mga prayle noon. Kagaya nito ay si Padre Agustin na walang pakundangang parusahan ang isang kawawang sakristan. At ang maling pamamalakad ng mga Kastila. Halimbawa na rito ay ang pagsaway ni Luis Aguado kay Padre Agustin dahil sa may binibinyagan nung mga oras na iyon. Samantala, ng natapos ang binyagan, agad namang inaresto si Luis Aguado sa pagsumbong niya tungkol sa ginawa ni Aguado.
Sa kadahilanang iyon, mas lalong umigting ang galit at poot ng mga Katipunero sa mga kastila. Kung kaya napagdesisyunan nila na magdeklara ng pag-aaklas gamit ang hukbong sandatahan. Dito nagkadigmaan sa pagitan ng mga Kastila at Katipunero na sa huli ay napagtagumpayan ng mga Katipunero. At nakamit ang kalayaan. Dahil sa kagitingan at katapangan ni Emilio Aguinaldo, siya ay nagustuhan ng taong bayan. Kung kaya nagsawa ang Supremo ng pagpupulong upang mapagusapan ang pakikipag isa ng Magdalo at Magdiwang upang mapalakas ang hukbo ng Kataastaasang Kagalanggalangang Katipunan ng mga anak ng bayan.
Sa pagpupulong na naganap, nais ng iba na si Supremo ang maging Presidente pero ito ay tinanggihan ng mga tao dahil nais nilang maghalal ng Presidente ayon sa pagboboto at nais ng mga tao. At ang nahalal nila na Presidente ay si Emilio Aguinaldo na siyang tinawag na El Presidente. Nakamit ng Pilipinas ang kalayaan noong ika Hunyo 12, 1898 na siyang ipagpapatuloy niya.
#TagalogkungTagalog
TumugonBurahin